Security preparatons ng pulisya sa lungsod ng Cebu para sa SONA ng Pangulong Marcos Jr., nakahanda na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang security deployment ng Cebu City Police Office para sa darating na Lunes, Hulyo 24 kung saan isasagawa ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay CCPO Director Police Col. Ireneo Dalogdog, nakalatag na ang security preparations ng CCPO at handa nang e-deploy kung kinakailangan.

Bagama’t walang na monitor ang polisya na posibleng banta sa seguridad ng lumgsod,ayon kay Col. Dalogdog na hindi pa rin sila kailangang makampante.

May mga minomonitor rin na mga lugar ang kapulisan lalo na itong mga lugar na kadalasang isinasagawa ang mga kilos protesta.

Magsasagawa rin ng checkpoint ang CCPO sa nasabing araw at nakipag-ugnayan na rin ito sa Highway Patrol Group para sa mas pinalawak na monitoring sa mga sasakyang papasok at palabas ng lungsod.

Tiniyak naman ni Dalogdog na ipapatupad ng PNP ang maximm tolerance para sa mga raliyistang magsasagawa ng kilos protesta sa nasabing araw. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us