Sen. Bato dela Rosa, ‘di nababahala sa magiging desisyon ng ICC ukol sa magiging imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nababahala si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa anumang ilalabas na desisyon ng international criminal court (ICC) tungkol sa apela ng ating pamahalaan, na huwag  ituloy ang imbestigasyon sa mga umano’y extra judicial killings sa war on drugs ng Duterte Administraton

Ayon kay Dela Rosa, bahala ang ICC sa gusto nilang gawin at wala na siyang pakialam dito.

Nagkausap aniya sila ni dating pangulong rodrigo duterte at maging ito ay hindi nababahala sa ilalabas na desisyon ng ICC

Sinang-ayunan rin ng senador ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na hindi susundin at hindi ipapatupad ng ating pamahalaan sakaling mag-isyu ng warrant of arrest ang ICC sa mga akusado.

Ito ay dahil sa hindi na aniya tayo miyembro ng ICC kaya hindi na tayo obligadong sumunod sa isinasagawa nilang proseso. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us