Nananwagan ngayon si Senador Bong Go ng agarang hustisya sa pagapatay sa dalawang opisyal na miyembro ng tribo sa Davao City na pinagbabaril patay ng hindi pa kinikilalang salarin sa Barangay Baganihan, Marilog District nitong Hulyo 1, 2023.
Sa panayam sa Senador nitong Biyernes, sinabi nito na dapat mapanagot ang sinumang nasa likod ng pamamaslang kina Barangay Baganihan Kagawad Joel Daguinsal Siawan at Indigenous People’s Mandatory Representative na si Ernesto Linog Matalam.
Ayon kay Senador Go na dapat palaliman ng kapulisan ang imbestigasyon para malaman ang motibo ng pagpatay sa dalawang miyembro ng tribo.
Giit ng Senador na nakakabahala umano ang insidente dahil basta lang ito pinatay na walang kalaban-laban.
Sa inisyal na imbestigasyon, away sa lupa umano ang posibleng motibo ng pagpatay sa dalawang miyembro ng tribo.
Nitong nakaraang araw, bumuo ng ng Special Investigation Task Group ang Police Regional Office 11 para resolbahin ang kaso.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao