Sen. Bong Go, suportado ang pagpapasa ng Freedom of Information Bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napapanahon nang magkaroon ng Freedom of Information (FOI) Law ang Pilipinas ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Ayon kay Go, tatlong dekada nang nakapending sa Senado ang FOI Bill kaya naman dapat na itong maisabatas.

Pinunto ng senador na bagamat may executive order na ngayong umiiral para sa FOI, ito naman ay para lang sa mga taga-executive branch.

At oras na maging batas ang FOI ay mai-institutionalize ito sa buong pamahalaan at ganap nang magkakaroon ng transparency sa pamahalaan at mapaglalaanan na rin ito ng naaangkop na pondo.

Makakatulong rin aniya ito para mabawasan ang korapsyon at katiwalian sa pamahalaan.

Kung wala naman aniyang itinatago ay walang dapat na ikatakot.

Gayunpaman, binigyang diin ni Go na sa pagpapatupad ng FOI ay dapat pa rin itong balansehin sa Right to Privacy. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us