Nakikiisa si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa posisyon ng ilang kapwa niya senador na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.
Binanggit ni Revilla na hindi dapat pumayag sa gagawing hakbang ng ICC dahil malinaw itong panghihimasok sa ating bansa.
Hindi na aniya dapat pang ipaalala na ang Pilipinas ay isang malaya, independent, at sovereign nation na pinamamahalaan ng ating sariling mga batas.
Binigyang diin ng senador na kung mayroon mang pananagutan, sa batas ng Pilipinas dapat managot at hindi sa mga dayuhan.
Ipinagtataka aniya ng mambabatas ang patuloy na pagsusulong ng ICC sa walang basehang pag-uusig na ito gayong maraming lehitimong kaso ng “crimes against humanity” ang nangyayari sa ibang parte ng mundo sa kasalukuyan.
Halata aniyang iba ang interes ng ICC dito at hindi hustisya.
Para kay Revilla, nawala na ang kredibilidad ng ICC dahil sa pinapamalas nitong partiality na politically-motivated.
Nakikiisa rin ang senador sa naging pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na proprotektahan ng Senado ang mga miyembro nito at hindi isusuko ang integridad at independence nito lalo na sa mga dayuhan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion