Sen. Bong Revilla, tiwalang ilalatag ni PBBM ang direksyon ng Pilipinas sa ikalawang SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na tatalakayin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga direksyong tatahakin ng Pilipinas kasabay ng paglalatag ng solusyon sa mga usaping nangangailangan ng agarang atensyon sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 24.

Inaasahan rin ni Revilla na tatalakayin ng presidente ang mga magiging hakbang ng administrasyon para maparami ang mga dekalidad at disenteng trabaho para sa mga manggagawang Pilipino, gayundin ang pagpapataas sa sweldo.

Nakatitiyak rin ang mambabatas na babanggitin ni Pangulong Marcos ang magiging roadmap kung paano mas mapapaganda ang lagay ng buong sektor ng edukasyon.

Kasabay nito ang pag-asa na mababanggit ng Punong Ehekutibo kung paano matutulungang maiangat ang allowances ng mga guro.

Para sa senador, ang mataas na approval rating ni Pangulong Marcos ay isang magandang indikasyon na ang unang taon nito sa panunungkulan bilang pangulo ay nasa tamang direksyon.

Tiwala si Revilla na magpapatuloy ang magandang nasimulan ng kasalukuyang administrasyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us