Sen. Gatchalian, nanawagan sa ERC na huwag hayaan ang NGCP na ipasa sa mga consumer ang franchise tax

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na pigilan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ipasa sa mga consumer ang 3 percent franchise tax na dapat nitong binabayaran sa pamahalaan.

Giniit ni Gatchalian na dapat nang itigil ang pass-through dahil hindi dapat ang mga konsumer ang nagbabayad sa franchise tax.

Pinunto ng senador, na vice chairperson ng Senate Committee on Energy, na ang isang ordinaryong household na kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour kada buwan ay maaari sanang makatipid ng 37.32 pesos kada taon kung hindi pinapayagan ng ERC ang NGCP na ipasa ang franchise tax sa mga konsumer.

Binigyang-diin ng mambabatas na may 2002 decision na ang korte suprema na nagsasabing ang income tax ay hindi isang operating expense at hindi rin maaaring ipasa sa mga consumer.

Sa kaso aniya ng NGCP, ang franchise tax ay kapalit ng income tax at dahil dito ay hindi maaaring ipasa sa mga konsumer.

Kaya, dapat aniyang bawiin ng ERC ang resolusyon nito noong 2011 kung saan nakasaad na ang 3% franchise tax ay bahagi ng kabuuang monthly transmission cost.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us