Sen. Joel Villanueva, giniit na panahon nang mag-move on mula sa kontrobersiya sa ‘Love the Philippines’ video

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panahon nang mag-move on mula sa kontrobersiyang idinulot ng pagkakamali ng advertising agency na kinuha ng Department of Tourism (DOT) sa paggawa ng video para sa bagong tourism slogan ng bansa, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva.

Nakakalungkot aniya na ang naturang proyekto ng DOT, na layon sanang itaguyod ang Pilipinas ay napuno lang ng kontrobersiya at nakakuha pa ng atensyon ng international media.

Pero giit ni Villanueva, ang mas dapat nang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagsisikap na maibalik ang kumpiyansa ng mga biyahero at mapataas ang mga domestic at foreign tourists sa bansa.

Pinunto ng majority leader na napakagandang bansa ng Pilipinas, meron man o walang tourism slogan.

Kailangan aniyang magkaroon ng whole-of-government approach para sa promotion ng ating tourism industry.

Pinaliwanag ng senador na kabilang dito ang pagpapababa ng gastos sa pagbiyahe sa pamamagitan ng pagpapabuti ng transport services; skills training ng mga manggagawa sa tourism industry; at pagtulong sa mga Micro Small and Medium enterprises (MSMEs) sa paggawa ng mga lokal na produkto. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us