Sen. Legarda, umaasang patuloy na maninindigan ang Pilipinas sa paggiit ng ating karapatan sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikiisa si Senate President Pro Tempore Loren Legrada sa paggunita ng Pilipinas sa 7th anniversary ng makasaysayang The Hague arbitral ruling ngayong araw.

Ang naturang desisyon ang nagkumpirma ng territorial claim ng Pilipinas sa mga teritoryong sakop ng ating exclusive economic zone (EEZ) at iba pang teritoryo sa loob ng WPS.

Ayon kay Legarda, ang makasaysayang ruling na ito ang mahalaga sa pagpapalakas ng hakbang ng bansa sa pagpreserba ng ating territorial integrity, pagprotekta sa ating maritime resources at sa ating tungkulin na pangalagaan ang marine biodiversity.

Pinuri rin ng senadora ang patuloy na pagsisikap ng gobyerno sa pagsusulong ng sovereign rights ng pilipinas habang pinapanatili ating mga diplomatic relations.

Umaasa ang mambabatas na mananatili tayong determinado sa paninindigan sa mga prinsipyo ng international law, pagtataguyod ng kapayapaan at pagprotekta ng ating mga national interest sa pamamagitan ng patuloy na panawagan para sa epektibong pagpapatupad ng The Hague ruling.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us