Sen. Poe, kinalampag ang MWSS na tugunan ang water supply interruption na nararanasan ng customers ng Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Grace Poe sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na agarang aksyunan ang water service interruption na makakaapekto sa halos 600,000 customers ng Maynilad Water Services Inc. mula july 12.

Ayon kay Poe, hindi dapat balewalain ang usapin na ito lalo na at pauit-ulit na.

Igiit ng Senate Committee on Public Services Chairperson, na humahaba din ang oras at dumadami na ang apektado ng water service interruption kaya hindi na ito katanggap-tanggap.

Aniya, dapat tukuyin ng MWSS kung ang water utilities gaya ng Maynilad ay nakakasunod sa kanilang obligasyon base sa kanilang prangkisa.

Binigyang diin ng senador, na dapat ay naging proactive ang Maynilad at agad na nag-invest sa pagpapatayo ng mga imprastraktura para naiwasang humantong sa pagbabawas ng suplay ng tubig sa customers nito.

Hindi aniya basta lang dapat umasa sa lakas ng ulan at sa lebel ng tubig sa Angat dam.

Ipinunto pa ng mambabatas, na isang seryosong obligasyon ang makapagbigay ng episyenteng serbisyo ang mga concessionaire.

Kasabay nito, muling binigyang diin ni Poe ang kahalagahan ng pagtatayo ng isang Department of Water Resources para mapagtuunan ng pansin ang water use, management at sources. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us