Sen. Tolentino, umapela sa pamahalaan na patuloy na i-monitor ang ICC proceedings

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinkayat ni Senate Committee on Justice Chairperson Senador Francis Tolentino ang gobyerno na patuloy na i-monitor ang mga paglilitis ng International Criminal Court (ICC) sa kabila ng naunang pahayag ng Malacañang na hindi na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa tribunal.

Ipinaliwanag ni Tolentino na dapat ay alam pa rin ng ating pamahalaan ang nangyayari sa proceedings ng ICC tungkol sa drug war ng nakaraang Duterte administration.

Ayon sa senador, ang tuluyang paghiwalay ng bansa sa ICC ay hindi mangangahulugan ng tuluyang pagkawala ng komunikasyon kaya makabubuti kung ipagpapatuloy ng Office of the Solicitor General ang pag-monitor sa anumang posibleng mangyari sa proceedings at takbo ng imbestigasyon laban sa bansa.

Binigyang diin pa ni Tolentino na may tiyansang mabasura o maisantabi pa ang pag-iisyu ng Warrant of Arrest laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa dahil mismong ang mga ICC judges ay hati ang desisyon sa drug war noon ng bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us