Senado, nakatanggap na ng paliwanag kaugnay ng paglapag ng isang US military aircraft sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natanggap na Ni Senate Committee On Foreign Relations Chairperson Senadora Imee Marcos ang paliwanag ng US Embassy tungkol sa paglapag ng isang US military aircraft sa NAIA.

Sa ipinadalang liham ni US ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson sa kumite ni Marcos kahapon, July 6, kinumpirma nito na lumapag sa NAIA ang isang Boeing C-17 transport aircraft na bahagi ng bilateral military exercise ng Pilipinas at US.

Sinabi ni Carlson na tumigil lang ang naturang eroplanong pandigma sa NAIA bago magtungo ng Palawan bilang pagsunod na rin sa Philippine customs at immigration requirement.

Gayunpaman, dahil sa clerical error, ilan sa  mga impormasyon na binigay ng US Government para sa flight clearance ay hindi tama at walang nangyaring koordinasyon sa NAIA ang kanilang flight planners.

May clearance naman aniya mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang military aircraft na sa Palawan ang destinasyon.

Sinasbi rin ng US ambassador na ang mga kargamento ng eroplano ay mga kagamitan para sa US marine corps mobile operation center at ang isang sakay na hindi kasama sa crew ay isang US marine na ang unit ay bahagi ng joint military exercise.

Matatandaang una nang isinulong ni Senadora Imee na maimbestigahan  ng Senado ang paglapag ng US military aircraft sa NAIA na walang naging clearance. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us