Senador Raffy Tulfo, kuntento sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senador Raffy Tulfo, mahusay ang pamamalakad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bansa sa ngayon.

Ayon kay Tulfo, nakikita naman niyang maraming nagagawa si Pangulong Marcos.

Kabilang na dito ang pagbisita niya sa iba’t ibang mga bansa na nagresulta sa pagkakaroon ng Pilipinas ng maraming economic partners at investors.

Nagustuhan rin aniya ng senador ang seryosong pagbibigay pansin ng punong ehekutibo sa kalagayan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ipinunto rin ng mambabatas na nagustuhan rin niya kay Pangulong Marcos ay ginagawa lang nito ang lahat ng tingin niyang makakabuti sa bansa nang walang paninisi sa nakaraang adminsitrasyon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us