Senior citizens sa Valenzuela, makatatanggap na ng maagang Pamasko simula ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aarangkada na ang programang Pasko sa Hulyo para kay Lolo at Lola ng Valenzuela City government ngayong araw, July 21.

Ito ay maagang handog na Pamasko ng pamahalaang lungsod para sa tinatayang 65,000 registered senior citizen sa lungsod.

Ayon kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, layon ng programa na makatulong sa pamilya ng mga lolo at lola at makabawas na rin sa kanilang gastusin.

Kasama sa matatanggap ng mga senior sa lungsod ang rice gift packs na tig-10 kilo kada benepisyaryo.

Aabot sa ₱24-na milyon ang inilaang pondo ng LGU para sa naturang gift packs sa pakikipagtulungan na rin sa Isabela LGU kung saan nito binili ang mga bigas.

Paalala lamang ng LGU na dalhin ang Pasko sa Hulyo claim stub, senior citizen ID, authorization letter na may pirma ng senior sa pagkuha ng gift pack.

Tiyakin din aniyang pumunta lamang sa itinakdang araw, oras at redemption site na nakasaad sa voucher.

Tatagal ang pamamahagi ng gift pack hanggang July 29. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us