Agad na umaksyon ang Presidential Communications Office (PCO) sa Audit Observation Memorandum na ibinaba ng Commission on Audit (COA) sa PCO, kaugnay sa overpayment ng Terminal Leave Benefits ng separated officials at employees nito, na naaprubahan sa ilalim ng nagdaang PCO managment.
Tinatayang nagkakahalaga ng higit P26.7 million, ang forced leave at payments na mayroong incomplete documentary, ayon sa COA.
Sinabi ni PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil na agad na tumugon ang PCO sa usaping ito, at nagpadala ng demand letters sa mga separated employee, upang i-refund ng mga ito ang overpaid terminal leave benefits.
Agad ring pina-review ng kalihim ang naaprubahang TLB applications at submissions ng mga incomplete requirements.
Sa kasalukuyan, naka-kuha na ng refund ang PCO mula sa 38 separated employees ng PCO na nagkakahalaga ng higit Php824, 000.
Una na rin itong nai-deposito sa Bureau of Treasury, habang nasa pitong dating empleyado pa ang nangako na magsasauli ng higit Php 200,000.
Kaugnay naman sa usapin sa incomplete documents, isinumite na ang Human Reource Development Division ang SALN ng separated employees.
“The Legal Division Chief has likewise previously noted in the clearance forms of the separated officials and personnel that they had no pending administrative cases nor involvement in any pending investigations.” —Secretary Garafil.
Pagtitiyak ng kalihim, ang PCO ay nananatiling commited sa pagsisiguro na lahat ng process at procedure ng tanggapan at tumatalima sa itnatakda ng batas. | ulat ni Racquel Bayan