Posibleng hindi na humaba pa sa higit isang oras ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, batay sa kaniyang nakuhang impormasyon ay maaaring 45 minuto hanggang isang oras lang tumagal ang talumpati ni PBBM.
Bagamat aminado na hindi pa alam ang lalamanin ng SONA, aantabayanan aniya nila ang mga ibabahaging achievement ng Chief Executive ganun din ang mga iaatas nito sa kanilang mga mambabatas.
Bagamat nagluwag na sa health protocols, nananatili ang temperature check sa mga papasok na bisita. Optional na ang pagsusuot ng face mask.
Wala na rin ang COVID testing, ang hahanapin na lamang ay ang hard copy o screenshot ng vaccination card, VaxCert o BOQ certificate na nagpapakita na nakatanggap na ng primary dose ng bakuna.
Para sa mga hindi bakunado kailangan naman ipresinta ang negative RT-PCR test na isinagawa 48-oras bago ang SONA.
Ang mga may temperature na 37.4 o 37.7 ay kailangan sumailalim sa Antigen Test, at makakapasok lamang kung negative ang resulta. | ulat ni Kathleen Jean Forbes