SONA ni Pang. Marcos Jr., nakapaglatag ng konkretong roadmap para sa bansa – Senate President Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nailatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA ang konkretong roadmap ng bansa at komprehensibong assessment ng una ng taon nito sa panunungkulan.

Ayon kay Zubiri, ang pinakamalaking tagumpay ng administrasyon ay ang pagtugon sa inflation kung saan napababa ang inflation rate sa 5.4 percent nitong Hunyo mula sa 8.7 percent noong Enero 2023.

Ikinatuwa rin aniya ng senate leader ang pagtutok ng pangulo sa mga pangangailangan at isyu sa sektor ng agrikultura gaya ng pagbida sa KADIWA initiative at sa pangangailangang panagutin ang mga agricultural smugllers at hoarders.

Nakahanda na rin ang senador na isulong ang panukalang pagtatatag ng Department of Water lalo na’t napapanahon ito sa gitna ng El Niño crisis na kinakaharap ng bansa.

Suportado rin ni Zubiri ang mga big ticket projects na isusulong ng administrasyon na aniya’y hindi lang makapag-uugnay sa iba’t ibang lugar sa pilipinas kundi makakagawa rin ng trabaho para sa mga pilipino.

Sa gitna ng mga accomplishment na ito ay nais sanang marinig ng senate president kung ano pa ang plano ng adminsitrasyon para masuportahan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagpapataas ng sweldo at mga benepisyo.

Sa pangkalahatan, sang-ayon si Zubiri na ang maayos ang estado ng bansa at patuloy na gumaganda ang lagay nito.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us