Handa na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang gagawing report sa taumbayan para sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 24.
Sa ambush interview sa pangulo sa San Fernando, Pampanga, sinabi nito na ipapakita niya sa sambayanan ang nakalipas, ang kasalukuyan at ang future plan ng pamahalaan.
Aniya, magsisilbi itong performance report sa mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na isang taon.
Nais din pangulo na malaman ng tao kung papaano na ngayon tingnan ng international community ang Pilipinas.| ulat ni Melany V. Reyes