Speaker Romualdez biyaheng Baguio para magpaabot ng ayuda sa mga sinalanta ng bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang ugnayan sa pagitan ng Office of the Speaker at district offices ng ibang mga kongresista para mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Egay.

Katunayan, naipaabot na nitong Huwebes ang tig-isang milyong pisong cash assistance para sa Ilocos Sur 2nd District at Cagayan 1st, 2nd, at 3rd District.

Ngayong araw, naman inaasahang pupunta ng Baguio City si House Speaker Martin Romualdez para pangunahan ang paghahatid ng tulong at relief operation sa naturang lungsod at kalapit na lugar.

Nakalikom ng kabuuang ₱128.5-million ang tanggapan ni Romualdez kasama ang Tingog Party-list na siyang gagamitin para sa relief drive.

Nasa ₱105-million dito ay idadaan sa AICS program o Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us