SSS, nagsagawa ng RACE Activity sa Parañaque City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng “Run After Contribution Evaders Activity” o RACE activity ang Social Security System (SSS) sa 15 establisimyento na sakop ng SSS Parañaque Branch ngayong araw.

Ang mga ito ay inisyuhan ng Notice of Violation matapos hindi nagre-remit ang mga employer ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Ilan sa mga establishment na nabigyan ng Notice of Violation ay isang hardware, dalawang petshop, barberya, at laundry shop.

Batay sa pinakahuling tala ng SSS Parañaque Branch, aabot sa ₱3.98-milyon ang kabuuang halaga ng delinquencies na kung saan apektado ang kontribusyon ng nasa 1,015 empleyado.

Nagpaalala si SSS NCR Operations Group Acting Head Maria Rita Aguja sa mga employers na bayaran sa tamang oras ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado upang makinabang ang mga ito sa mga serbisyo ng SSS.

Ito na ang ika-49 na RACE Activity ng SSS sa buong National Capital Region para sa taong ito. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us