Tuluyan nang isasara ng Department of Agriculture ang dalawang storage warehouse na nadiskubreng iniimbakan ng smuggled agricultural commodities sa Meycauayan, Bulacan.
Kasabay ang pagtiyak na pananagutin ang mga may-ari dahil sa pangangalakal ng smuggled meat products.
Kahapon sinalakay ng mga tauhan ng DA, AFP, NMIS at PCG ang dalawang storage facilities at kinumpiska ang imported na karne na pawang expired na at nagkakahalaga ng ₱35 million.
Ang mga meat products ayon sa DA ay nire-repack pa para ibenta .
Sinabi ni DA-Inspectorate and Enforcement Asec. James Layug, ang food safety ay pangunahing concern ng DA at ang pagbebenta ng smuggled meat at fishery products ay magdudulot lang ng panganib sa kalusugan ng publiko.
Kasong paglabag sa Republic Act No. 10611, o mas kilala bilang Food Safety Act of 2013, at Republic Act No. 10845, o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ang isasampa laban sa mga may-ari ng kontrabando. | ulat ni Rey Ferrer
📷: Department of Agriculture