Sumbong ng pangingikil ng mga taga-PNP anti cybercrime group para mapalaya ang mga dayuhang na-rescue mula sa POGO hub sa Las Piñas, pinapaimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balak ni Senador Raffy Tulfo na maghain ng isang resolusyon para maimbestigahan ang sinasabing pangingikil umano ng mga tauhan ng PNP Anti Cybercrime Group (ACG) sa mga dayuhang na-rescue sa isang POGO hub sa Las Piñas.

Ayon kay Tulfo, may source siya sa loob ng Camp Crame na nagsasabing napapatagal ang pagpapa-repatriate sa mga dayuhang na-rescue mula sa POGO hub dahil sa nagpapa-presyo pa ang mga taga PNP-ACG na nag-raid sa POGO hub.

Aniya, June 27 pa nangyari ang raid pero dalawang linggo na halos ang nakararaan ay wala pa ring nare-repatriate o nakakasuhan dahil nagkakatawaran pa.

Sinabi ng senador na pinapatubos pa ng mga taga-ACG ang mga dayuhan mula sa kani-kanilang mga embahada.

Nakikita ring problema ni Tulfo ang agad na pagpapauwi sa mga Pilipinong na-rescue sa naturang POGO hub at pagturing sa kanila agad na mga biktima.

Ipinunto kasi ng mambabatas na maaaring ang ilan rin sa mga Pinoy na naroon ay kasabwat ng may-ari sa operasyon nito.

Kaugnay nito, nais ni Tulfo na magkaroon ng Senate inquiry para mabago ang polisiya sa pagsasagawa ng raid sa mga POGO hub at sa tamang pagproseso para sa mga taong nare-rescue, lalo na ang mga dayuhan, mula sa mga POGO na ito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us