Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na buo ang suporta ng mga Pilipino sa Filipinas women’s team para sa makasaysayan nilang paglahok sa FIFA World Cup 2023.
Sa maikling mensahe ng pangulo, nagpaabot rin ito ng good luck wish sa kuponan.
Kasabay ito ng pagtiyak na ang buong bansa ay manunuod nang mayroong pagmamalaki at suporta, habang patuloy na nagbibigay inspirasyon ang kuponan sa iba’t ibang henerasyon.
“We wish the ‘Filipinas’ women’s team the best of luck as they make history in their FIFA World Cup debut! The entire nation stands behind you with pride, watching you break barriers and inspire generations.” —Pangulong Marcos.
Ang Malditas women football team ang nagbigay ng unang pagkakataon para sa Pilipinas na makibahagi sa global tournament na ito. | ulat ni Racquel Bayan
📷: Philippine Women’s National Football Team