Suporta ng Pangulo sa NTF-ELCAC, ipinagpasalamat ni Sec. Año

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paghahayag sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ng buong suporta sa flagship Programs ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa isang statement, pinuri ni Sec. Año ang commitment ng Pangulo sa Barangay Development Program (BDP) na maghahatid ng kaunlaran sa mga lugar na napalaya mula sa impluwensya ng NPA; at sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na tumutulong sa mga nagbalik-loob na bumalik sa normal na pamumuhuhay.

Ayon kay Año, patunay lang ito na determinado ang Pangulo na masolusyonan ang “root cause” ng insurhensya sa bansa.

Sinabi pa ni Año na ang pahayag ng Pangulo na maglalabas siya ng deklarasyon ng amnestiya sa mga dating rebelde ay mahalagang hakbang tungo sa pagwawakas ng kilusang komunista sa bansa.

Ito aniya ang magbibigay-daan sa “mass surrender” ng mga kasapi ng kilusang komunista. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us