Inaasahan na magpupulong muli ang House Committee on Ethics sa susunod na linggo upang pag-usapan kung ano ang magiging susunod na hakbang laban kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay COOP NATCO Party-list Representative Felimon Espares, chair ng komite, hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam ang suspended congressman sa Kamara.
Oras na mag-lapse ang ipinataw na ikalawang 60 day suspension kay Teves, na magtatapos sa July 31 ay titimbangin aniya ng Ethics Committee kung irerekomenda na ba ang pinakamabigat na parusa na expulsion.
“We have to weigh on that [recommend expulsion] because the question now is, what is the next action of the House. I cannot talk about that, pero baka mapwersa talaga ang committee to recommend the most extreme… our most extreme [penalty], iyong expulsion. Iyong mga ganyang ginagawa niya…parang hindi na siya interesado,” pahayag ni Espares.
Dalawang beses ng sinuspinde ng Kamara si Teves dahil sa pagkabigo nito na bumalik sa bansa kahit paso na ang travel authority na ibinigay sa kanya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes