Taas-singil sa buwis sa sasakyan, lusot na sa komite, isang araw matapos hilingin ni PBBM sa kanyang SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang araw matapos ang State of the Nation Address (SONA), ay agad tinalakay at inaprubahan ng House Ways and Means Committee ang isa sa mga panukala na hiniling ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso na ipasa.

Lusot na sa komite ang panukalang itaas ang Motor Vehicle User’s Charge (MVUC), o buwis na sinisingil sa mga nagpaparehistro ng sasakyan.

Layong amyendahan ng House Bill 376 ang MVUC Law na naisabatas, dalawang dekada na ang nakararaan.

Sa ilalim ng panukala, ang isang sasakyan na ang gross vehicle weight (GVW) ay hindi lalagpas ng 1,600 kilo ay papatawan ng ₱2,080 mula sa kasalukuyang ₱800.

May 50% discount naman ang mga pampublikong sasakyan at exempted naman sa pagbabayad ang mga motorsiklo at tricycle.

Nasa ₱151-billion ang inaasahang kita dito mula 2024 hanggang 2027, batay sa pagtaya ng Development Budget Coordination Committee.

Habang ₱274.45-billion naman sa loob ng limang taon.

Nakapaloob din sa panukala na 45 percent ng kita ay ilalaan sa PUV Modernization Program at five percent para sa road crash prevention programs. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us