Tatlong dam sa Luzon, nagbabawas na ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tatlong dam sa Luzon ang tuloy-tuloy pa ang pagbabawas ng imbak na tubig ngayong umaga.

Sa ulat ng PAGASA-Hydrometeorology Division, hanggang alas-6:00 kaninang umaga, isang gate ang binuksan sa Ipo Dam at may gate opening na .30 cm

Nasa 106 meters ang antas ng tubig nito na mas mataas bahagya sa 101 meters normal high-water level.

Tig-tatlong gate naman na may gate opening na 1.50 meters ang binuksan sa Ambuklao at Binga Dam.

Nasa 7.51 meters ang water elevation sa Ambuklao na halos maabot na ang 752 meters na normal high-water elevation.

Aabot na rin sa 574.58 naman ang water elevation ng Binga Dam at halos pantay na sa 575 meters normal level nito.

Samantala, tumaas din ang antas ng tubig sa Angat Dam, na nasa 191.70 meters na. Nadagdagan ito ng 3.50 meters kumpara sa 188.20 meters kahapon.

Umangat din ang tubig sa La Mesa Dam 79.58 meters,San Roque 257.25 meters, Pantabangan 186.33 meters, Magat 172.75 meters at Kaliraya 286.68 meters. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us