Tatlong PDL sa Canlaon City, Negros Oriental nagtapos sa senior high school

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi naging hadlang para sa tatlong Persons Deprived of Liberty (PDL) ang kanilang kalagayan upang matagumpay na makamit ang kanilang senior high school diploma.

Ito ay matapos na napagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology at Department of Education sa siyudad ng Canlaon, Negros Oriental na maitawid ng tatlong mga PDL ang kanilang pag-aaral sa basic education.

Sa bisa ng court order na pirmado ni Regional Trial Court Branch 64 acting Presiding Judge Ma. Anna Priscila Pareja, pinayagang dumalo sa graduation ceremonies ang tatlong PDL sa Canlaon City Jail.

Nagsilbing escort at security si City Jail Warden Jail Inspector Jumbo Abad, kasama sina Senior Jail Officer 1 Clyde Ricana, Jail Officer 1 Michael Cece, Jail Officer 1 Jane Francine Balasabas habang isinagawa ang Grade 12 moving up ceremonies sa Jose B. Cardenas Memorial National High School Uptown Campus Senior High School.

Bahagi ito ng programa ng BJMP at DepEd na tulungang makapagtapos ng pag-aaral ang mga PDL sa kabila ng kanilang sitwasyon.

Matapos ang kanilang naging graduation ceremony, binisita ng El Shaddai Canlaon MInistry ang tatlo upang handugan ng cake personal na batiin ang tatlo sa kanilang pagtatapos sa basic education. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us