Top 1 Most Wanted provincial level sa Pangasinan para sa kasong qualified rape, arestado ng kapulisan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Timbog sa pinagsamang pwersa ng Pangasinan Police Provincial Office at Dasol Police Station ang Top 1 Most Wanted Provincial Level dahil sa kasong Qualified Rape.

Arestado ang 49-taong gulang na suspek, isang magsasaka at residente ng Brgy. San Vicente, Dasol, Pangasinan noong ika-24 Hulyo 2023.

Ang pag-aresto ay may bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 70 sa Burgos Pangasinan.

Walang inerekomendang bail bond o piyansa sa kasong kahaharapin ng suspek.

Samantala, nananatiling matatag ang Pangasinan PPO sa pangako nitong puksain ang lahat ng uri ng kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us