Pansamantalang naghain ng kaniyang leave of absence si Tourism Secretary Ma. Christina Frasco.
Ito ang kinumpirma ng Office of Public Affairs and Advocacy ng kagawaran ngayong araw.
Ayon kay Director Czarina Zara-Loyola, magsisimula ang leave of absence ng kalihim sa Hulyo 13 na tatagal ng pitong araw o hanggang Hulyo 21.
Layon aniya nitong mabigyan ng pagkakataon ang kalihim na makapiling saglit ang kaniyang pamilya.
Kasunod nito, kinumpirma rin ni Loyola na dadalo si Sec. Frasco sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Inihain ang leave of absence ni Sec. Frasco bago pa man pumutok ang usapin hinggil sa kontrobersyal na Love the Philippines Tourism Campaign ad. | ulat ni Jaymark Dagala