Walang nasira o bumagsak na transmission lines at pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gitna ng pananalasa ng bagyong Dodong.
Sa ulat ng NGCP, nananatiling normal ang operasyon ng lahat ng transmission lines at facilities nito hanggang ngayong umaga.
Bago pa man manalasa ang bagyo, agad na nagpatupad ng mga kinakailangang paghahanda at pag-iingat ang NGCP upang mabawasan ang epekto ng bagyo sa kanilang pasilidad
Kabilang dito ang pagpapakalat ng mga line crew sa strategic areas para mapadali ang restoration works.
Base sa pinakahuling ulat ng PAGASA, inalis na ang lahat ng wind signals sa mga apektadong lugar.
Asahan na lalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyo mamayang hapon o bukas ng umaga. | ulat ni Rey Ferrer