Turismo ng Pilipinas, isa sa magbebenepisyo sa pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si House Committee on Tourism Vice-chair Marvin Rillo, na malaki ang maiaambag sa turismo ng bansa ng inaasahang pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol.

Kung matatandaan sa presentation of credentials ng bagong ambassador ng Seoul sa Pilipinas na si Ambassador Lee Sang-Hwa ay sinabi nito, na balak ng South Korean president na bumisita sa Pilipinas ngayong taon o sa susunod na taon.

Ayon kay Rillo, isa ang South Korea sa mga nangunguna sa foreign tourists na nagtutungo dito sa Pilipinas.

Kaya ang plano ng Korean leader na bumisita sa atin ay tiyak na hahatak pa lalo ng mas maraming Koreanong biyahero.

Tinukoy ng kinatawan na mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon ay nasa 673,841 South Koreans na ang bumisita sa bansa.

Nasa 25% aniya ito ng kabuuang 2.4 million foreign tourists na dumating sa Pilipinas sa unang anim na buwan ng 2023.

Kahit pa noong panahon ng pandemiya o mula sa mga taong 2021 hanggang 2022, umabot pa rin ng hanggng 773,347 na South Koreans ang lumipad patungo dito sa bansa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us