Ulan na dala ng Bagyong Egay, nakatulong para madagdagan ang lebel ng tubig sa Pantabangan Dam—NIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng National Irigation Administration o NIA na nakatulong ang mga ulan na dala ng Bagyong Egay upang madagdagan ang lebel ng tubig sa Pantabangan Dam.

Ayon kay NIA Upper Pampanga River Integrated Irrigation System Manager Engr. Rosalinda Bote, tumaas ng 185.35 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig sa nasabing dam mula sa 183 masl bago ang mga pag-ulan na dala ng bagyo.

Ngunit paliwanag ng opisyal, malayo pa ito sa operation rule curve ng dam na 208.18 meters at ang spilling level na 221 meters.

Umaasa naman si Bote na maabot ang 210 meters ng lebel ng tubig sa Pantabangan Dam hanggang sa November 30 para maserbisyuhan ang mga service area sa panahon ng dry crop season.

Ang Pantabangan Dam ay pangunahing pinagkukunan ng patubig sa mga irigasyon sa mahigit 140,000 ektaryang palayan sa Nueva Ecija at sa Central Luzon.

Nakikipag-ugyan na rin ang NIA sa mga magsasaka para sa mga alternatibong solusyon sa gitna na rin ng banta ng El Nino.

Hinihikayat naman ng Department of Agriculture at NIA ang mga magsaska na magtanim ng high-value crops para sa mga hindi makatatanggap ng irrigation services. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us