UP alumna lawmaker, pabor na dagdagan ang pondo ng UP para mapaganda ang seguridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa si Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na isulong ang mas mataas na pondo para sa University of the Philippines upang mapagbuti nito ang seguridad sa kanilang campus.

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin ng nangyaring pag-atake sa isang estudyante sa UP Diliman Campus kamakailan.

Ayon kay Herrera na isang UP alumna, ang dagdag pondo ay maaaring gamitin sa pagpapalakas ng kanilang campus police, dagdag na security infrastructure at mobile para agad makaresponde sa mga insidente.

Pinakokonsidera din ng Bagong Henerasyon party-list solon ang pagkakaroon ng ID system para sa mga residente sa Brgy. UP Diliman at kalapit barangay, mga bisita, o transients.

Isa pa sa mungkahi ng kinatawan ang pagkakaroon ng perimeter security policy sa bisinidad ng UP Diliman, kasama ang Commonwealth Avenue, C.P. Garcia Avenue, at Katipunan Avenue. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us