US Embassy sa Maynila, nagpahayag ng pagkabahala sa panibagong insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa barko ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag na unprofessional maneuvers ng US Embassy sa Pilipinas ang bagong insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea kamakailan.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, walang puwang sa mundo ang paggamit ng dahas anumang panahon.

Ang ginagawang pananakot ng Peoples Republic of China sa West Philippine Sea ay isang uri ng irresponsible behavior o kawalan ng galang.

Ikinukonsidera din ng US Embassy sa Maynila, na isang pananakot sa seguridad at legal rights ang ginawa ng China sa itinuturing nito na ally o kaalyadong bansa.

Noong Hunyo 30, hinarang ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard habang inaalalayan nito ang mga barko ng Philippine Navy patungong Ayungin Shoal.

Nagpadala din daw ang China ng kanilang warship sa naturang karagatan, bagay na labis na ikinabahala ng Philippine Coast Guard. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us