Valenzuela LGU, patuloy sa paghahatid ng libreng sakay sa mga binahang kalsada sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nag-deploy ng mga trak ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela para alalayan ang mga pasaherong hirap sumakay dahil sa ilang binahang kalsada.

Kasunod na rin ito ng masungit pa ring panahon na may minsang pabugso bugsong ulan.

Ngayong araw, naghahatid ng libreng sakay ang Valenzuela LGU sa mga lugar ng:

  • G. Lazaro, Brgy. Dalandanan
  • Lingunan – Veinte Reales
  • MacArthur Highway (byaheng Malanday – Puregold Dalandanan)

As of 8am, naman ay marami pa ring kalsada ang baha sa lungsod partikular sa Macarthur Highway.

Kabilang dito ang BRT Eatery, Dalandanan (2-3 inches), BDO Dalandanan (3-4 inches), Platinum Dalandanan (5-6 inches), Green Oil, Malanday (1-2 inches), Footbridge, Dalandanan (11-13 inches), Wilcon Depot, Dalandanan (11-12 inches) maging ang bahagi ng Rincon Road., Rincon (3-4 inches), Corner Navarette St., Arkong Bato (6-7 inches), Corner Risen Lord, Veinte Reales (1-2 inches), Pasolo Road., Pasolo (1-2 inches).

May mga ilang kalsada rin ang hindi maaaring daanan ngayon ng light vehicles gaya ng Corner Cuevas, Dalandanan (12-13 inches) at ang bahagi ng M.H Del Pilar, Arkong Bato (10-12 inches), Corner T. Santiago, Veinte Reales (10-12 inches), Corner G. Lazaro, Dalandanan (13-14 inches) at Corner Bypas Road., Veinte Reales (37 inches). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us