Vietnamese Embassy, nagsagawa ng business forum para sa pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at Vietnam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng isang business forum ang Vietnamese Embassy para sa pagpapalakas ng bilateral relations at business sector ng dalawang bansa.

Ayon kay Vietnamese Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung, layon ng naturang business forum na magkaroon ng digital application para sa green business solutions sa pagpo-promote ng mga Vietnamese products sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Ambassador Chung na isa ang Pilipinas sa top trade partner ng Vietnam na may investment pledges na $7.8-billion dollars noong 2022.

Sa huli, nagpasalamat si Ambassador Chung sa mga stakeholders mula sa Pilipinas na sa mga makabagong pamamaraan na ito ay malaki ang kapakinabangan ng digitalization sa pagsusulong ng green business solutions sa ekonomiya ng dalawang bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us