VP at Education Secretary Sara, dumalo at sa graduation rights ng Aurora NHS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng mensahe si Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa mga nagsipagtapos ng Aurora National High School.

Sa kanyang naging talumpati sa 203 na mag-aaral ng naturang paaralan, sinabi ng ikalawang pangulo ng bansa na huwag matakot sa pag-abot ng kani-kanilang mga pangarap at huwag sumuko sa anumang dagok ng buhay.

Dagdag pa ni VP Sara na kung minsan ay may mga balakid sa pag-abot ng mga ito ngunit ito’y mga gabay lamang upang mas lumakas ang kanilang loob sa pag-abot nito.

Pinasalamatan din ng ikalawang pangulo ang mga guro at mga magulang ng bawat mag-aaral sa kanilang suporta at gabay sa mga ito at naabot nila ang kanilang pagsisipagtapos ngayon araw.| ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us