VP Sara, dumalo sa ika-100 taong kaarawan ng kinunsiderang ‘The Oldest Living War Veteran’ sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging panauhing pandangal si Vice President Sara Z. Duterte sa ika-isandaang taong selebrasyon ng kaarawan ngayong gabi ng isang respetadong Dabawenyo at World War II veteran na si Teofilo Adag Gamutan.

Si Gamutan ay naging enlisted sa American Military noong labimpitung taong gulang pa lamang ito bilang musician at nakaligtas sa pangalawang digmaang pandaigdig.

Ikinagalak naman ng pamilyang Gamutan ang pagdalo ni VP Sara sa mahalagang okasyon na kanilang centenarian na lolo.

Sa mensahe ni VP Sara, pinuri nito ang kwento ng mahabang buhay ni Lolo Teofilo kung saan isang ehemplo ng pagkakaroon ng lakas ng loob, karunungan at inspirasyon na nakikipaglaban para sa ating bansa na ayon sa kanya isang magandang pagkukunan ng leksyon.

Matatandaang noong ika 97th birthday ni Lolo Teofilo Gamutan bumisita rin si VP Sara na nooy Mayor pa ng Davao City at nangakong dadalo sa ika 100th birthday nito.

Si Teofilo Gamutan ang kinunsiderang “the oldest living war veteran” sa lungsod.ng Davao sa kasalukuyan.| ulat ni Macel Mamon Dasalla| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us