Pinapurihan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang matagumpay na pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang unang termino bilang Pangulo ng bansa.
Ayon sa Ikalawang Pangulo ng bansa na ikinagagalak niyang maging bahagi ng kasalukuyang administrasyon na nakatuon sa pagpapalakas ng ating bansa — at agresibo sa pagpapatibay ng ating ekonomiya; pagkakaroon ng sapat na trabaho at hanap-buhay; pagtugon sa hamon ng kahirapan; pagbibigay ng suporta sa mga sektor tulad ng mga mangingisda, magsasaka, at mga manggagawa; pagpapatayo ng mga importanteng imprastraktura; pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon at kalusugan para sa mga Pilipino; at ang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.
Dagdag pa ng Ikalawang Pangulo ng bansa na kailangang supportahan ang ating Pangulo at ang kanyang dalangin na mas palakasin pa natin ang ating pagkakaisa at gamitin itong sandata upang malampasan ang mga darating na hamon sa atin bilang isang bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio