Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga grupong magsasagawa ng Transport strike sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes na huwag mang-harass ng mga tsuper na ayaw lumahok.
Ang panawagan ay ginawa ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na ang naka-ambang transport strike ay bahagi na rin ng kanilang inihahandang security plan.
Magde-deploy aniya ang PNP ng mga sasakyan para pagkalooban ng libreng-sakay ang mga maapektohan ng transport strike.
Pakiusap naman ni Fajardo sa mga grupong magmamartsa sa July 24, na huwag isagawa ang kanilang aktibidad sa mga pangunahing kalsada na maaring magdulot ng trapiko.
Ngayong linggo magsasagawa ng simulation exercise ang PNP para isapinal ang mga paghahandang ginawa sa SONA ng Pangulo. | ulat ni Leo Sarne