Wage hike, kailangang sabayan ng pagpapababa sa presyo ng bilihin at pasahe ayon sa isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi sapat na magpatupad lang ng wage hike para mapabuti pa ang kalagayan ng mga manggagawa.

Ito ang tinuran ni House Committee on Labor and Employment Chair at Rizal Representative Fidel Nograles, kasabay ng apela na kailangang mapababa rin ang presyo ng bilihin at palakasin ang purchasing power ng mga manggagawa.

Bagamat ikinalugod ng mambabatas ang pagkaka-apruba ng P40 wage hike sa National Capital Region, aminado ito na kulang pa rin ito kung ikokonsidera ang presyo ng mga bilihin at pasahe.

“We need to have a balanced response to the issues that our workers face. Hindi lang wage increase ang solusyon. Kailangan din nating ayusin nang sabay ang problema sa agrikultura at transportasyon para mas malaki ang take-home pay ng mga kababayan natin,” ani Rep. Nograles.

Pagtitiyak ni Nograles, na sila sa Kamara ay tututukan ang mga paraan para maisaayos ang sektor ng agrikultura at transportasyon upang mas maging abot-kaya ang bilihin. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us