War against smuggling at hoarding ng pamahalaan, suportado ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makakaasa ng suporta ng buong House of Representatives ang laban ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa smuggling at hoarding ng agricultural products.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, magdodoble kayod sila para tuluyan nang mahinto ang hoarding at pagpupuslit ng bigas, asukal, bawang at iba pa, na hindi lang nakakapagpagulo sa value chain ngunit ikinadedehado rin ng mga magsasaka.

Matatandaang sa State of the Nation of Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., sinabi nito na bilang na ang oras ng mga hoarder at smuggler.

Dagdag pa ng House leader, na patuloy nilang babantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

“That is part of our oversight function. We have the appropriate tools to carry this out, including conducting follow-up hearings and summoning suspected hoarders, smugglers and cartel leaders if needed. We will not shirk from our duty to help our people,” ani Romualdez.

Apela naman ng Leyte solon sa mga ahensya ng pamahalaan na sabayan ito ng pagpapaabot ng tulong sa mga magsasaka pagdating sa kagamitan, teknolohiya at pondo upang mapalakas ang ani.

Oras kasi aniya na mataas ang produksyon ng mga magsasaka ay wala nang magiging pakinabang ang mga hoarder.

“Needless to say, if there is sufficient supply, it would not be profitable for traders to resort to hoarding and similar anti-competitive activities,” diin ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us