Yellow Rainfall Warning, nakataas sa Quezon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.

Batay sa rainfall warning ng PAGASA, kaninang alas-11 ng umaga, umiiral ang yellow alert sa lalawigan ng Quezon bunsod ng LPA at hanging habagat.

Dahil dito, pinag-iingat rin ang mga residente na nakatira sa flood-prone areas na maging alerto sa posibilidad ng mga pagbaha.

Mahina hanggang katamtamang ulan na minsan ay may kalakasan din ang nakakaapekto sa Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas at Cavite na maaaring tumagal hanggang 3 oras.

Dahil dito, patuloy na inaabisuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Offices na mahigpit na i-monitor ang lagay ng panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us