Zipper lane sa southbound lane ng Commonwealth Avenue para sa VIPs sa ikalawang SONA ni PBBM, binuksan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan ang zipper lane sa southbound lane ng Commonwealth Avenue para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay bilang pagbibigay-daan sa mga VIP o ang mga dadalo sa SONA ng Pangulo.

Ayon sa Quezon City Task Force Displina, binuksan ang naturang lane mula QC Circle hanggang sa Sandiganbayan.

Dalawa sa naturang lane sa south bound ang binuksan para sa mga VIP habang ang lima naman ay nananatiling bukas para sa mga dadaan sa naturang kalsada.

Mahigpit namang binabantayan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naturang kalsada katuwang ang QC Task force Disiplina.

Kaugnay nito, nilinaw naman ng QC Task Force Disiplina na bukas ang northbound lane para sa lahat ng sasakayan. | ulat ni Glenn Ronquillo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us