Itinurn-over ng Naval Forces Eastern Mindanao sa Bureau of Customs (BOC) Region 11 ang ₱13.8-milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo na narekober sa isang jungkung vessel sa karagatan ng Barangay Camudmud, IGACOS, Davao del Norte.
Narekober ang kontrabando sa isang joint law enforcement operation ng Naval Task Force 71 ng Naval Forces Eastern Mindanao at BOC nitong linggo ng gabi.
Natagpuan ng mga operatiba ang 468 master cases ng Canon brand na sigarilyo na karga ng FB ALYASRA-2.
Ang 10 crew ng naturang barko ay pansamantalang isinailalim sa kustodiya sa Naval Station Felix Apolinario bago itinurn over kasama ang kanilang barko at kontrabando sa BOC.
Base sa inisyal na ulat, ang kontrabando ay nanggaling sa Sulu at dadalhin sana sa Davao City bago naharang. | ulat ni Leo Sarne
📸: NFEM