₱2 dagdag-pasahe sa jeep, hirit ng ilang transport group sa LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humihiling ngayon ng karagdagang singil sa pamasahe ang ilang grupo ng transportasyon.

Sabay-sabay na nagtungo sa tanggapan ng LTFRB ang mga lider ng grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, PISTON, Stop n Go transport coalition at FEJODAP para isumite ang kanilang liham kay LTFRB Chair. Atty. Teofilo Guadiz sa hirit na ₱2 dagdag sa unang apat na kilometro sa mga pampasaherong jeepney.

Oras na aprubahan ito, magiging ₱14 na minimum na pamasahe mula sa kasalukuyang ₱12.

Ayon kay LTOP Pres. Lando Marquez, hindi na nila kayang pasanin pa sa hanay ng transportasyon ang magkakasunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Sa liham na isinumite ng grupo, hinihiling nilang ipatupad ng LTFRB ang Memo Circular 2019-035 na tumutukoy sa fare adjusment formula kapag malaki na ang itinaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon pa sa grupo, hindi sasapat ang planong fuel subsidy para maibsan ang hirap ng mga tsuper sa pamamasada.

Kasunod nito, humingi naman ng pang-unawa sa mga pasahero ang grupo dahil sa hirit na taas-pasahe. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us