₱206-M halaga ng mga pekeng Louis Vuitton, nakumpiska ng NBI sa magkakahiwalay na operasyon nitong weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinalakay ng tatlong grupo ng Raiding Team ng National Bureau of Investigation (NBI)- Intellectual Property Rights Division ang magkakahiwalay na lugar dahil sa talamak na bentahan ng mga pekeng produkto ng Luis Vuitton.

Bitbit ng operatives ang anim na Search Warrant, pinasok ang mga Warehouse 6 ng RIS 1 Complex na matatagpuan sa 168 Merendo St, Barangay Tabe, Guiguinto Bulacan, apat na stall sa LRT Shopping Mall sa Lungsod ng Pasay City, at ang nag-iisang stall sa Micar Shopping Center sa lungsod naman ng Parañaque City.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 1,588 piraso ng mga pekeng produkto ng Louis Vuitton na nagkakahalaga ng ₱206,000,000.

Dahil sa ginawang pamemeke ng mga produktong nabangit mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 8293 Intellectual Property Code of the Philippines ang may-ari ng mga nabanggit na pekeng produkto sa tindahan at bodegang sinalakay.  | ulat ni Michael Rogas

📸: NBI

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us