10-dash line map ng China, ‘di dapat balewalain ng international community – Sen. Francis Tolentino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senador Francis Tolentino, maituturing na isang aggressive expansion ang inilabas ng China na 10 dash line map.

Giit ni Tolentino, hindi dapat payagan ng international community ang hakbang na ito.

Aniya, hindi lang binalewala ng China ang arbitral ruling sa hakbang na ito kung hindi lumabis pa sila.

Sinabi ng senador, na sa ngayon ay maaari pa ring ituloy ng Pilipinas ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China.

Ipinunto ring muli ng mambabatas ang posibilidad ng pagsasagawa ng joint patrol ng Pilipinas, kasama ang ating mga kaalyadong bansa gaya ng Japan, US at Australia.

Mainam rin aniyang maipasa na ang panukalang Philippine Maritime Zones bill, na konkretong magtatakda ng mga teritoryong sakop ng Pilipinas kasama na ang mga karagatang bahagi ng ating exclusive economic zone. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us