10 delinquent employers sa QC, inisyuhan ng Notice of Violation ng SSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagkasa ng “Run After Contribution Evaders” o RACE activity ang Social Security System (SSS) sa ilang establisimyento sa Quezon City ngayong araw.

Ito’y para paalalahanan ang mga delinquent employer na hindi nakakapag-comply sa kanilang obligasyon sa ilalim ng RA 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Sa operasyon ng SSS North Division, 10 employers ang pinuntirya kabilang ang isang auto supply, water station, laundry shop, bake shop, at mayroon ding manpower agency.

Ayon sa SSS, anim sa mga employer ang hindi naghuhulog ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado habang apat naman ang hindi nagrerehistro ng negosyo.

Umabot sa ₱5.53-million ang kabuuang halaga ng delinquencies ng mga naturang employer kung saan 42 empleyado ang apektado.

Pinakamalaki ang naitalang contribution deliquency ng printing at bookbinding company na nagkakahalaga ng ₱4.93-million.

Ayon kay SSS VP for NCR North Division Fernando Nicolas, mahalagang harapin ng mga employer ang kanilang obligasyon para hindi malagay sa alanganin ang benepisyo ng kanilang mga manggagawa.

Marami naman aniyang iniaalok na opsyon ang SSS sa mga employer gaya ng condonation program. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us